Answer:
Mga paraan sa paggawa ng basket composting.
1. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May isang metro ang lalim.
2. Ikalat nangg Pantay ang mga pinagpatong-patong na tuyong dahon, dayami, pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop, at lupa tulad dimn ng compost pit hanggang mapuno ang lalagyan.
3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang mabulok kaagad ang basura.
4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste.
5. Alisin ang pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan para magsama ang lupa at mga nabubulok na agay pagkalipas ng isang buwan.