Basahin ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Itinatag ang programang ito upang magkaroon ng seguro ang lahat ng mamamayan at mapagkaloobanng may kalidad at serbisyong pangkalusugan at pagkamit ng pangkalahatang pangkalusugan. *

A. Complete Treatment Pack
B. Pagbabakuna
C. National Health Insurance Program (NHIP)
2. Layunin nitong marating ang pinakamahihirap na mamamayan at mabigyan ng kumpletong gamot lalo sa mga pangunahing sakit ng bansa. *

A. Complete Treatment Pack
B. Pagbabakuna
C. National Health Insurance Program (NHIP)
3. Ito ay itinaguyod ng pamahalaan upang magkaroon ng proteksyon ang mga bata laban sa sakit na diarrhea, polio, tigdas at trangkaso. *

A. Pagbabakuna
B. Philhealth
C. Botika ng Bayan
4. Programang naglalayon na magkaroon ang mga mag- aaral ng lubos at tuloy- tuloy na pagkatuto ng mga batayang kasanayan at magkaroon ng kahandaan sa kolehiyo o pag eempleyo ang mga kabataan. *

A. K to 12
B. Scholarship
C. Alternative Learning System
5. Programa para sa mga mahuhusay na mag-aaral ngunit walang sapat na panustos sa pag- aaral. *

A. K to 12
B. Scholarship
C. Alternative Learning System
6. Sa pamamagitan nito nabibigyan ng pagkakataon na makapag aral muli ang mga Out of School Youth sa mga oras at araw na libre sila. *

A. K to 12
B. Scholarship
C. Alternative Learning System
7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi tama. *

A. Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang pangunahing Lakas na tagapagtanggol ng bansa.
B. Tumutulong ang mga Lokal na Pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan ng kanilang nasasakupan.
C. Ang kapayapaan ay nararanasan sa isang komunidad kung ang mga kasapi nito ay laging nag-aaway at walang pagkakaisa.
8. Tungkulin ng kagawaran na ito na pangalagaan ang katahimikan ng loob at labas ng bansa. *

A. Department of Health
B. Department of Education
C. Department of National Defense
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sap ag-unlad ng ekonomiya ng bansa? *

A. Pagpapaunlad ng Yamang Mineral.
B. Paggamit ng Dinamita sa pangingisda.
C. Paggamit sa mga pananim ng Organic Fertilizer.
10. Ito ay ang muling pagtatanim sa mga lugar na pinutulan ng mga puno. *

A. Kaingin
B. Deforestation
D. Reforestation