Batay sa tinalakay na tekstong naratibo sa nakaraang modyul, suriin ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay naglalahad ng katangian ng tekstong naratibo at ekis (x) naman kung hindi. _________ 1. Sumusuporta sa isang punto o nagpapahayag ng pangunahing ideya. _________ 2. Nagtataglay ng mga tiyak na detalye ng mga obserbasyon sa tao, lugar o pangyayari. _________ 3. Isinasalaysay ang mga pangyayari nang magkakasunod-sunod. _________ 4. Nakagaganyak ang panimula ng teksto. _________ 5. Sinaliksik at pinag-aralan ang mga impormasyong inilalahad. _________ 6. Nagtataglay ng personal na karanasan ng mga sangkot na tauhan. _________ 7. Naglalahad ito ng isang detalyeng nakapanghihikayat sa madla. _________ 8. Nagpapakita ng isang matibay na opinyon ukol sa paksa. _________ 9. May ipinapakilalang suliraning kinakaharap ang mga tauhan. _________ 10. Kawili-wili ang pamagat ng teskto at may malalim na pagpapaliwanag sa magiging implikasyon nito.