Pistang Bayan
Ang pagdiriwang ng pistang bayan ay labis na nagugustuhan ng mga Pilipino.Bago pa dumating ang kapistahan ay abala na ang mga tao sa paglilinis ng kani-kanilang mga tahanan,naglalagay ng mga palamuti sa mga lansangan at naghahanda ng mga pagkain.
Sa madaling-araw ng pista maririnig ang ingay ng mga baboy,kambing,itik,manok,bibe,baka at iba pang hayop na kinakatay.
Sa araw ng kapistahan,makikita ang matatanda at mga bata na masayang nagsisimba,nanonood ng parada at sumasakay sa ibat-ibang uri ng sasakyang pampasaya.
Masaya rin silang pumupunta sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan upang mamista.
Sa gabi,sumasama sila sa prusisyon at nanonood ng mga palabas.
Pagkatapos ng pista,masaya silang naglilinis ng tahanan,nagliligpit ng mga pinagkainan at nagkukuwenta ng pinagkagastusan,subalit makikita mo naman sa kanilang mga mukha ang labis na kaligayahan.


11. Sa araw ng pista ,ang sumusunod ay mga dapat gawin maliban sa _____. *
1 point
a. Masayang nagsisimba.
b. Nanonood ng mga parada.
c. Naglalaba at namamalantsa.
d. Sumasama sa prusisyon.

12.Batay sa kuwento,alin sa mga pangyayari ang dapat ay huling bahagi? *
1 point
a. naglilinis ng tahanan
b. nagkukuwenta ng pinagkagastusan
c. masayang nagsisimba
d. nagkakatay ng baboy.

13. Bago dumating ang kapistahan,ano ang karaniwang unang ginagawa ng mga tao? *
1 point
a. naglalagay ng dekorasyon
b. naglilinis ng tahanan
c. naghahanda ng pagkain
d. nagsisimba

14. Pagsapit ng gabi ng kapistahan,ano ang ginagawa ng mga tao? *
1 point
a. sumasama sa prusisyon at nanonood ng mga palabas
b. nanunuod ng parada
c. sumasakay sa ibat-ibang uri ng sasakyang pampasaya
d.masayang nagsisimba

15. Sa araw ng kapistahan,ano ang karaniwang makikita? *
1 point
a.nagliligpit ng pinagkainan
b. nagkukuwentahan ng pinagkagastusan
c. nanunuod ng palabas
d. mga bata at matatanda na nagsisimba​