Ano ang paksang tinalakay sa nabasang dokumentaryong pampelikula?​

Sagot :

Answer:

  • Ano ang paksang tinalakay sa nabasang dokumentaryong pampelikula?

Korapsyon, problema sa edukasyon, suliraning pang ekonomiya at katiwalian

Ang pelikula, kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Samanatalang ang Dokumentaryo ay tungkol sa katotohanan at realidad na pangyayari sa buhay at sa lipunan.Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan at korapsyon, problema sa edukasyon at suliraning pang-ekonomiya at sa mga katiwalian.

Nagsimula ang dokumentaryong pampelikula noong unang taong 1900.

Pangunahing inilalarawan dito ay ang pagkuha ng iba’t ibang mga eksena sa anumang gawain ng mga tao sa araw-araw.

Inilalarawan bilang “aktuwal na tanawin o eksena.”

Katulad din ito ng ibang dokumentaryo gaya ng”travelogue”, “newsreel tradition”, at “cinema truth.”

Naging”wartime propaganda”, “ethnographic film”at naging inspirasyon din upang makamit ang maraming tagumpay noon.

Sa pamamagitan ng “Cinema Vertile” (salitang French) na nangangahulugan film truth o pelikulang totoo mas naging makatotohanan, mabisa at makabuluhan ang isang dokumentaryo.

MGA ELEMENTO NG PELIKULA

1. Sequence iskrip

– Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwento sa pelikula. Dito makikita ang layunin ng kuwento.

2. Sinematograpiya

– Paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga manonood ang pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng kamera.

3. Tunog at musika

– Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga dayalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng mga manonood.

IBA PANG ELEMENTO…

a. Pananaliksik o riserts

– Mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas.

b. Disenyong pamproduksyon

– Nagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng masining na biswal na pagkukuwento.

c. Pagdidirehe

– Mga pamamaraan

at diskarte ng direktor sa pagpapatakbo

ng kuwento sa pelikula.

d. pag-eedit

- Ito ay pagpuputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.

View image Magandato