CYBERBULLYING Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambubuska ang nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambubuska sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail, pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, bidyu, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o pagpapaskil ng mga nakasisira at walang batayang komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito'y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging biktima nito. Naririto ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying: mga senyales ng depresyon, pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pagliban o pag iwas sa pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan, pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng problema sa kalusugan at pagiging biktima rin ng harapang bullying. Ayon sa ulat sa Googe Trends, ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan may pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay ang Pilipinas. Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isang makatotohanang pangyayari sa ating bansa. Bagama't sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na istadistika ang Pilipinas patungkol sa cyberbullying. Sa bansang Amerika ay naitala na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grade 6 hanggang 12 ang nakaranas ng cyberbullying noong 2010 at 2011. Samantalang noong 2013, tumaas sa 15% ang mga mag-aaral sa Grade 9 hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying.


1.ANO ANG CYBERBULLYING?
2.PAANO NAKAAAPEKTO ANG CYBERBULLYING SA NAGIGING BIKTIMA NITO?
3.ANO ANG LAYUNIN NG TEKSTO? ANO-ANONG KATANGIAN NG TEKSTONG BINASA ANG MAGPAPATUNAY NA ITO AY ISANG TEKSTONG IMPORMATIBO?
4.MABISA BA ANG PAGKAKALAHAD NG MGA IMPORMASYON? IPALIWANAG.​


Sagot :

Answer:

1. Ang cyberbullying ay isang uri ng pambubully na ginagawa sa social media.

2. Nakaka apekto ito sa kanyang pag aaral

3. Ito ay tekstong Impormatibo dahil nag iinform ito na masama ang cyberbullying

4. Oo, Dahil iniisip ng sumulat ng teksto na maging maingat sa pag gamit ng social media at para na rin sa kapakakan ng mga batang naaapektuhan ng cyberbulling

Answer:

1. Ang Cyberbullying ay isang pang bu-bully o pananakot sa kapwa. pananakot gamit ang massege at e-mail

2. Ang pekto ng cyberbullying sa biktima ay malalang problema at nakakatakot

3.Layunin ng tekstong impormatibo na makapagbigay ng impormasyong nakakapagpalawak ng kaalaman na nagtataglay ng mahahalaga at tiyak na impormasyon.at katangian ng tekstong impormatibo

4. Oo. dahil ang impormasyon ay nag lalakap ng mga idea at mas napapadali ang pagkaintindi

More Link:

https://brainly.ph/question/12551499