Explanation:
Sinasabing ang pangungusap ay isang lipon ng mga salita na nagpapahayag ng diwa at kaisipan. Ito ay may simuno at panaguri. Mahalagang maunawaan at matutunan ng bawat mag-aaral ang kahalagahan ng mga ibat-ibang sangkap na kailangan pag-aralan ng mga mag-aaral. Isa na rito ay ang paggamit ng ibat-ibang uri ng pangungusap at kaibahan nito sa isat-isa.
Sapamamagitan ng mga ibat-ibang pangungusap nakakabuo ng ibat-ibang mga kaisipan gamit ang mga ito. Ang bawat pangungusap ay gumagamit ng mga bantas na kung saan nakakatulong sa pagkilala kung ano ang uri at ipinahihiwatig ng pangungusap. Ito ay ang mga bantas na patanong kung pangungusap na patanong. Ikalawa, tuldok kung ito ay pasalaysay. Ikatlo, tandang padamdam kung pangngusap na padamdam. Ikaapat, ginagamit ang padamdam, patanong at pasalaysay kung ito ay pautos o pakiusap.