Sa buhay ng tao, ang upuan ay sumisimbolo sa maraming bagay tulad na lamang ng kapahingahan, sandigan,kaagapay, maging estado sa buhay, dignidad at ang posisyong ginagalawan sa lipunan. Ang awitin ni Gloc 9 na“Upuan” ay magpapatunay na ang upuan ay sumisimbolo sa katayuan sa buhay ng tao. Maihahambing ito sa totoongkalagayan ng bansa na hindi lahat ng nakaupo ay kabutihan ng mamamayan ang iniisip, ang ilan ay nakaupo parasa sariling kapakanan lamang. Kaugnay nito, bilang mamamayan ng bansang Pilipinas, ano-ano para sa iyo angmga dapat na katangian at pamantayan sa pagpili ng taong karapat dapat na umupo at manguna sa bansangPilipinas sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 9, 2022? Isaad ang iyong kasagutan sa maikling talata.

pahelp naman po thank u


Sagot :

Answer:

para sa akin, ang isang presidenteng karapat-dapat na manguna sa Pilipinas ay isang taong mayroong pakialam sa kapakanan ng nasasakupan nya sa kasalukuyan pati na sa hinaharap. Isang taong hindi prayoridad ang yamang aanihin nya sa kanyang pag upo kundi uunahin ang ikauunlad ng bansa mula sa naging lagapak nito sa mga nagdaang taon. mayroong hangarin na paunlarin ng sabay-sabay ang kanyang nasasakupan at hindi nakawan ang mga ito para sa sariling kapakanan.

Explanation:

hehe sana poide na yan