Iguhit mo ang kung ang pahayag ay nagsasabi tungkol sa check and balance at separation of powers at naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 5 minuto.
1. Ang bawat sangay ng pamahalaan ay malaya sa panghihimasok ng iba pang sangay.
2. Ang separation of powers ng tatlong sangay ng pamahalaan ay isang hakbang para maiwasan ang pagmamalabis sa kapangyarihan.
3. Sa ilalim ng check and balance ay maaaring punahin ang kamalian ng bawat sangay ng pamahalaan.
4. Ang separation of powers ang may kapangyarihan sa pagsusuri at pagbabalanse ng bawat sangay ng pamahalaan
5. Nagkakaroon ng sabwatan ang mga sangay ng pamahalaan sa ilalim ng check and balance.
6. Napagtatakpan ang kamalian ng bawat sangay kung may check and balance.
7. Maiiwasan ang pagmamalabis sa kapangyarihan kung maayos na naipatutupad ang check and balance.
8. Dapat na may mangibabaw na isang sangay ng pamahalaan batay sa kapangyarihan.
9. Iginagalang ang kalayaan ng bawat sangay sa ilalim ng check and balance.
10. Ang pamumuno ay may kalakip ding pananagutan at pakikipagkaisa at pantay na pagtingin, mapatao man ito o mapapamahalaan.