Answer:
Ang Kagawaran ng Badyet at Pamamahala ng Pilipinas (Ingles: Department of Budget and Management o DBM) ay isang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa maayos at akmang paggamit ng mga yaman ng pamahalaan para sa pag-unlad ng bansa at maging instrumento para maabot ang mga hangad na sosyo-ekonomiko at pampolitika na pag-unlad.