Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang ipinapahayag sa mga pangungusap
ay wasto at MALI kung hindi wasto.
1. Ang kutsara at tinidor na gagamitin ay para sa pansarili lamang.
2. Gamitin ang iyong kutsara kung kukuha ng ulam na nakahain sa mesa.
3. Tinidor ang gamitin bilang pamalit sa kutsilyo kung may puputuling pagkain.
4. Magsubo ng madaming pagkain sa iyong kutsara.
5. Huwag hayaang gumawa ng ingay kapag sinisimsim mo ng kutsara at tinidor ang
pagkain sa iyong plato.