Isagawa Panuto: Isulat ng wasto ang buod ng dokumentaryong panradyo at gumamit ng angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa) sa pagbuo nito. Isulat ito sa hiwalay na papel. 1. Ang mga magulang ni Christine ay nangungulila at patuloy na lalaban para sa hustisya ng kaniyang anak. 2. Namatay o pinatay? Ito ang katanungan ng mga taong hindi alam ang katotohanan sa pagkamatay ng isang babae na may edad na 23 taon, isang flight attendant, isang mabuting anak, at isang kaibigan, siya si Christine Dacera. 3. Mediko legal ay may dalawang dahilan ang kamatayan ni Dacera, una ang pagkakaroon ng sakit na naputukan ng ugat (raptured aortic aneurysm) at ang ikalawa ay ang pag-aabuso dito. 4. Ang patakaan ng hotel na pinadausan ng parti nila Dacera ay maaari lamang na apat na katao ang nasa loob ng kuwarto subalit ayon sa mga saksi, nasa pito hanggang labingdalawang katao ang nasa loob. 5. Marami ang nagsasabi na nilagyan ng pinagbabawal na gamot ang inumin ni Dacera kaya hindi niya kinaya ang sakit na kanyang nararamdaman. 6. Batay sa kanyang mga kaibigan, nagsusuka si Dacera kaya naisipan na lamang nito na mahiga sa bathtub para hindi makapagkalat sa kuwarto. 7. Walang pang nakaaalam kung ano nga ba ang dahilan ng kamatayan ni Christine Dacera sapagkat walang matibay na ebidensya kung paano nangyari ito. 8. Ang kanyang mga kaibigan sa sobrang kalasingan ay tanghali na nang magising at naabutan nilang walang buhay si Dacera, binigyan nila ito ng paunang lunas o cardiopulmonary resuscitation (CPR) subalit huli na ang as ahat at nadeklara sa malapit na ospital na dead on arrival si Dacera.​