Ano-ano ang mga suliraning hinanap ng mga. Pilipino pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel sa pamamagitan ng pagkumpleto sa fish bone chart.
Ang suliranin sa kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay kung paano makamit at mapanatili ang kasarinlan ng bansa. Ito ay sa kabila ng mga kasiraan na iniwan ng digmaan sa Pilipinas. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa suliranin sa kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay narito.
Noong Hulyo 1946, nakamit ng Pilipinas ang kasarinlan mula sa Amerika.
Matapos makamit ng Pilipinas ang kasarinlan, naging suliranin ng Pilipinas ang pagbangon mula sa mga sira at gulo na iniwan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa bansa.
Naging suliranin din ang pagsasaayos muli ng ekonomiya ng bansa dahil isa sa mga naging epekto ng digmaan ay ang pagkasira ng mga pananim at iba pang kabuhayan ng mga Pilipino.
Bukod dito, nasira rin ang mga gusali, establisyamento, paaralan, imprastraktura, at iba.
Upang maisaayos ang mga pinsalang ito, pumasok ang Pilipinas sa mga kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos upang makatanggap ng pinansiyal na suporta. Ang pinansiyal na suportang ito ay ginamit ng Pilipinas upang maisaayos ang mga pinsala sa bansa.