1. Alin ang hindi kahulugan ng pakikilahok?

A. Isang tungkulin na dapat isakatuparan ng lahat ng mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat

B. Isang malayang pagpili Hindi maaaring pilitin o puwersahin ang tao upang isagawa ito.

C. Maaring tawaging bayanihan, damayan, o kawanggawa

D. Tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapuwa


2 Alin ang taglay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapuwa?

A Bolunterismo

B. Dignidad

C. Pakikilahok

D. Pananagutan

3. Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?

A Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan

B Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan

C Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makakatulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

D. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan.

4. Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?

A Pananagutan B. Tungkulin

C. Dignidad D. Karapatan

5. Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?

A. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad.


B. Mas higit niyang nakikilala ang kanyang sarili?

C Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng liounan.

D. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba.

6 Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito a

A Tama sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.

B. Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo

C Tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa Pangangailangan ng iyong kapuwa sa mga sandaling yaon.

D. Mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kanyang gagawin. Ito dapat ay manggagaling sa puso.

7 Alin ang hindi halimbawa ng bolunterismo?

A Tuwing Sabado ay tinuturuan ni Kelly ang mga bata sa kanilang lugar na matutong bumasa

B Si Mrs. David ay nagaalaga ng mga bata sa ampunan tuwing siya ay may libreng oras

C. Ang pamilya Cruz ay sumali sa paglilinis ng paligid sa kanilang baranggay upang mapanatili itong malinis

D. Si Robbie ay tumangging tumulong sa pagdadala ng mga donasyon sa mga taong nasunugan.

8. Hindi nakalahok si Ellen sa Oplan Linis ng kanilang baranggay dahil inalagaan niya ang kanyang bunsong Kapatid na may sakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis Ano kaya ang antas ng pakikilahok niya?

A. Impormasyon B. Konsultasyon

C. Sama-samang Pagkilos. D. Pagsuporta


9. Ano-ano ang dapat makita sa isang taong nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?

A Pagmamahal, Malasakit at Talento

C Talento, Panahon at pagkakaisa.

B. Panahon, Talento at kayamanan

D. kayamanan, Talento at Bayanihan


10. Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?

A Pagkakaisa B. Kabutihang Panlahat

C.Pag-unlad

D. Pagtataguyod ng Pananagutan





pls Yung tamang sagot naman po​