Answer:
Maraming tao ang nabahala nang malaman nilang pinatay si Benigno Aquino, Jr. Nagising sa katotohanan ang mga Pilipino na hindi nila makakamit ang kalayaan hangga’t hindi nila napaaalis sa pagkaupo ni Ferdinand Marcos bilang pangulo. Dahil dito, inilunsad ng kaniyang asawa, si Cory Aquino, ang kaniyang pangangampanya sa pagkapangulo upang tulungan ang mga Pilipinong naghirap sa ilalim ng rehimeng Marcos; nais niyang alisin ang paghihirap ng mga Pilipino at ibalik ang mga karapatang – pantao na inabuso at pinagsawalang – bahala ng nasabing diktador.