Ang Batang May K Maagang naulila ang batang si Kristine. Namatay sa aksidente ang kaniyang mga magulang. Kinupkop siya ng Department of Social Welfare and Development matapos ang aksidente. Hindi pa siya nagtatagal sa bahay-ampunan, may mag-asawang dumating at nais siyang ampunin. Inayos kaagad ang kaniyang mga papeles at hindi nagtagal nakauwi siya sa bahay nina G. at Gng. Robles. Itinuring siyang tunay na anak ng mag-asawa. Inalagaan siya ng maayos. Pinapasok sa magandang eskwelahan. Higit sa lahat, binigyan siya ng isang mapagmahal na pamilya at pangalang Kristine Robles. Sagutin ang mga tanong: 1. Sino ang batang tinutukoy sa kwento? 2. Ano ang nangyari sa kanyang mga magulang? 3. Sino ang kumupkop kay Kristine matapos ang aksidentea 4. Paano nakakatulong ang DSWD sa mga batang katulad ni Kristine? 5. Kung ikaw si Kristine, paano mo maipakita ang pagmamahal sa taong kumupkop sa'yo?​