"Magnifico
Si Pikoy (Magnifico)ay mula sa isang maralitang pamilya. Umikot ang
kanilang istorya sa kanilang tahanan sa Lumban, Laguna. Dahil sa kahirapan ay
halos mawalan na ng pag-asa ang kanyang pamilya, dumagdag pa rito ang mga
iba't-ibang klase ng suliranin ang kanyang bunsong kapatid na babae na may
cerebral palsy, ang kanyang kuya na nagaaral sa Maynila na natanggalan ng
scholarship, ang kanyang lola naman na may stomach cancer at siya naman na
mahina sa eskuwela. Madalas nyang nakikitang nag aaway ang kanyang magulang
nang dahil sa pera at sa gagastusin sakaling mamatay ang kanyang Lola Magda.
Pasan pa nya ang pag aalaga sa kanyang kapatid na may sakit at hindi makalakad,
Ang ama niya ay namamasukan lamang bilang isang karpintero at ang
kanyang ina ay walang regular na trabaho. Kahit na bata pa lamang si Pikoy ay
ninais na niyang makatulong sa magulang sa anumang paraan na kaya niya. Sa huli,
ang kabusilakan ng puso ni Pikoy ang siyang nakatulong sa pamilya niya at sa mga
ilang taong natulungan at naimpluwensiyahan niya kahit sa mga maliliit na paraan at
bagay.
Sa murang edad ay nagsikap sya upang makatulong sa araw-araw na
gastusin sa abot ng makakaya nya. Gumawa si Pikoy ng paraan upang unti-unting
buuin ang kabaong ng kanyang Lola sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Walang
reklamong narinig sa kanya ang kanyang magulang.
Sa huli, hindi inaasahan ang mga nangyari. Nasagasaan si Pikoy at sya ang
gumamit ng ginawa nyang kabaong para sa kanyang Lola. Naging inspirasyon ang
butihing bata sa mga nagawa nya.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat sa kahon ang inyong nabuong puna. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.


1. saan nang ang kuwento.
2. sino-sino ang pangunahing tauhan sa pelikula.
3. anong mensahe ang nais iparating ng pelikula .
4.ilarawan ang mga tauhan sa kwento .
5.paano mo ilalarawan ang tagpuan ng pelikula o kwento .​


Sagot :

•answer•

1.Lumban,Laguna

2.Si Pikoy at Ang kanyang lola Magda

3.Wag mag suko sa buhay kahit anong hirap Ang naratanasan upang mabigyang magandang buhay Ang pamilya.

4.Si Pikoy ay masipag at matiyaga , at si Lola Magda naman Niya ay nahihirapan maglakad.

5.?

sorry po sa number 5.

Answer:

1. tungkol ka pikoy

2. si pikoy,lola,ina,kapatid,kuya,at ama

3. Wag mawalan ng pag asa,at maging mabuti sa mga magulang

4. piko- may busilak na puso

kapatid na babae - ay may kapansanan

kuya - na nagaaral sa Maynila na natanggalan ng

scholarship

kanyang lola- naman na may stomach cancer at siya naman na

mahina sa esuwela

ama- niya ay namamasukan lamang bilang isang karpintero

kanyang ina- ay walang regular na trabaho

5. kanilang tahanan sa Lumban, Laguna