Tukuyin kung ANAPORIK O KATAPORIK .Isulat sa patlang ang kasagutan. 1.Sila'y matatapang at nagnais ng Kalayaan sa kamay ng mga dayuhan, ang mga kilalang bayaning Pilipino, 2.Ang mga raliyista ay aktibong nakiki-alam sa mga usaping pulitikal ng bansa dahil nais nila ng pagbabago. 3.Ang mga bulaklak na namumkadkad sa hardin ay nagbibigay saya at samyo sa atin. 4.Sila ang sandigan natin sa panahon ng kagipitan at kalngkutan, ang ating mga kaibigan. 5.Ito ang nagpapatibay sa maayos na samahan ng pamilya, ang wagas na pagmamahalan. 6. Ang aking guro ang pangalawang magulang sa paaralan ay may tungkuling ginagampanan. 7. Masayahin siya, matatag sa buhay, siya ang aking ina. 8. Ang mga magsasaka ay patuloy na nagsisikap upang matustusan ang pangangailangan ng lahat. 9. Matarik, may malalabay na mga puno at masusukal, ito ang ating mga kagubatan sa lalawigan 10. Isang pag-asa, ama ng buong bansa, si Pangulong Rodrigo Duterte. 11. Mapagpala at palaging maaasahan, sila ang ating mga magulang. 12. Ang mga frontliners ay handang magsakripisyo para sa mga mamamayan. 13. Matatapang, mapagkakatiwalaan at maaasahan ang mga gurong Pilipino. ang