Sagot :
Answer:
Ang tatalong Sangay ng Pamahalaan ng Pilipinas
1. Ang Tatlong Sangay ng Pamahalaan ng Pilipinas
2. Sangay Tagapagpaganap
3. Ang pangunahing tungkulin ng sangay tagapagpaganap ay ang ipatupad ang mga batas.
4. Tungkulin niya rin ang lumikom ng pondo upang maayos na makapaghatid ng serbisyo ang pamahalaan at makapagpatupad ng mga batas.
5. Ilang mga pangunahing kagawaran sa sangay Tagapagpagpaganap: Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education) Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health) Kagawaran ng Agrikultura (Department of Agriculture) Kagawaran ng Pananalapi (Department of Finance)
6. Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (Department of Social Welfare and Development) Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (Department and Employment)
7. Kagawarn ng Tanggulang Pambansa (Department of National Defense) Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (Deartment of Environment and Natural Resources)
8. Mga Kaakibat na Kapangyarihan ng Pangulo
9. Ang pangulo ay mayroong kontrol a lahat ng mga kagawaran, kawanihan at mga tanggapan sa ilalim ng Sangay Tagapagpaganap. Ang commander-in-chief ng buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Mayroong siyang kapangyarihang pangmilitar.
10. May kapangyarihan ang Pangulo na manghirang ng mga kalihim ng kanyang gabinete o mga magiging pinuno ng mga kagawaran ng pamahalaan. Maaari siyang magmungkahi ng mga panukalang batas sa Kongreso.
11. Siya ay mga kapangyarihang magpatawad. Ang Artikulo VII, Seksiyon 19 ng Konstitusyon ay nagbibigay ng pahintulot sa Pangulo na gawin ang mga sumusunod: 1. Pagbibigay ng mga palugit sa pagpapatupad ng sentensiya; 2. Pagpapagaan ng parusa;
12. 3. Lubusang pagpapatawad; 4. Pag alis ng patawa na multa at pagsamsam sa mga ari-arian ng mga akusadong may pinal na kahatulan; at 5. Pagkakaloob ng amnestiya nang naaayon sa pasiya ng nakararaming kagawad ng Kongreso.
13. Ang Sangay Tagapagbatas
14. Ang pangunahing tungkulin ng Sangay Tagapagbatas ay lumikha ng mga batas, kasama rin sa tungkuling ito ang mag-amyenda ngmga batas at isagawa ang badyet ng pamahalaan taon.
15. Ang sangay tagapagbatas ay tinatawag ding Kongreso. Ang kongreso ay binubuo ng dalawang magkapantay na sangay: Ang Senado at ang Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives).
16. Samantala, itunuturing kapantay rin ng Senado ang Kapulungan ng mga Kinatawan. Lumilikha rin sila ng mga batas. Ihinahalal ng mga lokal na distrito ng bawat lungsod ng Pilipinas ang mga kasapi ng Kapulungan.
17. Ang Kapulungan ay pinamumunuan ng isang tagapagsalita o House Speaker. Siya ay pinipili ng mga Kinatawan. Gaya ng Pangulo ng Senado, siya ang magpapasiya kung anong mga panukalang batas ang dapat bigyan ng prayoridad upang maging ganap na batas.
18. Ang lahat ng panukalang batas na isusulong ng Senado o ng Kapulungan ng mga Kinatawan ay dapat aprubahan ng parehong Sangay ng Kongreso.
19. Mga kaakibat na Kapangyarihan ng mga Mambabatas Bukod sa pagsulong at paggawa ng mga batas, may iba pang benepisyo at kapangyarihan ang mga kasapin ng Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan:
20. Ang mambabatas ay may sariling tanggapan at mga kawani na ang suweldo ay sinasagot ng pamahalaan. Ang mambabatas ay may panggastos para sa transportasyon mula sa kani- kanilang mga tahanan hanggang sa kanilang mga opisina at pabalik.
21. Nagtatamasa sila ng franking privilege sa pagpapadala ng mga sulat sa koreo nang hindi na kinakailangan pang gumamit ng selyo. Hindi na sila maaaring arestuhin habang may pagpupulong sa Kongreso sa anumang krimeng ang kaparusahan ay hindi hihigit sa anim na taong pagkakabilanggo.
22. Hindi sila maaaring isakdal nang dahil lamang sa mga bagay na nasabi nila sa isang talumpati o debate sa Kongreso. May kapangyarihan silang maglitis ng mga prosesong impeachment ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan tulad ng Pangulo, Pangalawang Pangulo at Punong Mahistrado.
23. Ang Sangay Tagpaghukom
24. Nilulutas ng mga hukom ang mga suliraning may kinalaman sa pagpapatupad ng batas. Kasama na sa mga ito ang mga pagdinig ng kaso sa mga korte. Ang Korte Suprema ay ang pinakamataas na korte sa Pilipinas. Ito ang nagpapataw mg huling hatol sa mga kasong pinagtatalunan.
25. Regular na Hukuman Court of Appeals Binubuo ito ng 51 Mahistrado na nahahati sa labimpitong pangkat. Ang bawat pangkat ay may tatlong Mahistrado. Regional Trial Courts Matatagpuan ang mga hukumang ito sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa.
26. Municipal Trial Courts Saklaw nito ang mga bayan Metropolitan Trial Courts Saklaw nito ang mga lungsod.
27. Natatanging Hukuman Ang mga natatanging hukuman ay kinabibilangan ng: Sandiganbayan Dito nililitis ang mga kasong sibil at kriminal ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan
28. Court of Tax Appeals Naglilitis ng mga kasong my kaugnayan sa buwis na binabayaran ng mga mamamayan Sharia Court Naglilitis at nagpapataw ng kaparusahan sa mga Muslim ns lumalabag sa batas Islam sa Pilipinas. Nasa ilalim din ng pangangasiwa ng Korte Suprema ang hukumang ito