pls help me im have 0 iq in filipino language​

Pls Help Me Im Have 0 Iq In Filipino Language class=

Sagot :

Answer:

Tugmang de gulong

Kaibahan:

Tinatawag na tugmang de gulong ang mga paalalang makikita sa mga pampublikong sasakyan gaya ng dyip, traysikel, o bus. Ang mga tugma o paalalang ito ay karaniwang nakatutuwa, nanunudyo,o di kaya naman ay mayroon talagang makabuluhang mensaheng nais iparating sa mga pasahero. Karaniwan ding inihahango ang mga tugmang ito sa mga kasabihan o salawikaing Pilipino.

Mga Halimbawa:

Ang di magbayad sa pinaggalingan ay di makararating sa paroroonan

Huwag kang bumukaka, hindi ka palaka.

Basta sexy,Libre!

Tulang Panudyo

Kaibahan:

ang tulang paundyo ay isang uri ng akdang patula na kadalasan ang layunin ay manlibak,manukso,o mang-uyam.

Mga Halimbawa:

ang amoy mo ay parang isda

kasing amoy ng patay na daga.

Hopiang di mabili

may amag sa tabi,

Binalik ni Eli

dina muli bibili.

Bugtong:

Kaibahan:

Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).

Mga Halimbawa:

Tumingin ka sa akin,

ang makikita mo'y ikaw din.

Butot balat lumilipad

Nanay mo,nanay ko, nanay nating lahat.

Palaisipan:

Kaibahan:

Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito. Sa karaniwang palaisipan, inaasahan na lutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon. Kadalasang nililikha ang mga palaisipan bilang isang uri ng libangan, ngunit maaari rin namang magmula ito sa seryosong matematikal at lohistikal na suliranin — sa mga ganitong kaso, ang kanilang matagumpay na pagkalutas ay isang mahalagang ambag sa pagsaliksik sa matematika. (pwede mo bawasan)

Mga Halimbawa:

Ano ang pagkain na hindi makakain ang gitna?

Ano ang gitna ng dagat?

Ano ang meron sa aso, na meron sa pusa, na wala sa ibon, pero meron sa kabayo?

#CarryOnLearning

Fixed^^.