Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Ibigay ang paksa at tema ng teksto. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. na 1. Ang pagkakaroon ng edukasyon ng isang tao ay mahalagang bagay. Upang mabago ang lipunan mahalagang makatapos ng pag-aaral ang mga bata. Ang sabi nga ni Nelson Mandela, "Ang edukasyon ang pinakamakapangyarihang sandata magagamit upang makapagpabago sa mundo.
2. Tunay na masarap langhapin ang sariwang hangin na nanggagaling sa kabukiran. Sa panahon ngayon na dumami na ang populasyon at ang mga sasakyan, naging marumi na ang ating kapaligiran. Dumami na rin ang mga factory na nakatayo sa iba't ibang lugar. Sa ganitong mga sitwasyon naging marumi na ang ating kapaligiran. Ang nalalanghap na lamang natin ay ang mga usok na ibinubuga ng mga sasakyan at mga dumi na nanggagaling sa factory.