ito ay uri ng sanaysay na subhhektibo sa damdamin at paniniwala ng may akda.


Sagot :

Answer:

URI NG SANAYSAY

1. Pormal

Ito ay tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa. Inaakay ng manunulat ang mga manbabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya at kumilos pagkatapos.

Kadalasan itong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar o pangyayari. Ang tono nito ay siryoso at walang halong biro.

Isang uri ng pormal na sanaysay ang editoryal sa mga pahayagan. Ito ay tungkol sa opinyon ng sumulat sa mga maiinit na balita.

2. Di-pormal

Ito naman ay tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-arawat personal. binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay- bagay, mga karanasan o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa.

Binibigyan diin nito ang mga bagay-bagay at karanasan ng may akda sa isang paksa kung saan mababakas ang kanyang personalidad na para bang nakikipag-usap lamang siya sa isang kaibigan kaya naman ito ay madaling maintindihan.

Sa madaling sabi, tungkol sa damdamin at paniniwala ng may akda ang paksa ng di-pormal na sanaysay.

SANAYSAY

Ito ay panitikang tuluyan na nagalalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.

Sa ganitong paraan, naipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa. Isa rin itong uri ng pakikipag-komunikasyon na ang layunin ay maipabatid ang iyong saloobin sa isang makabuluhan at napapanahong paksa o isyu.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita, ang sanay at pagsasalaysay.  

Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilalahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mga mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sapaggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:

Bahagi ng Sanaysay: brainly.ph/question/361695

Elemento ng Sanaysay: brainly.ph/question/140197

#BetterWihBrainly

Explanation:

sorry yan lang po kaya ko ty

fortinayt el babaji hyer exis exis exis