Sagot :
Unang Digmaang Pandaigdig
Epeko sa Kanlurang Asya:
-
Ang Iran ay walang pinanigan. Ang digmaan ay nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga pamayanan, ari-arian, pagkamatay ng maramingIranin, at nagdulot ng pagkagutom.
-
Taong 1919, hiniling ng Great Britain sa punong ministro ng Iran na lumagda sa isang kasunduang magbigay ng malawak na kapangyarihan sa pagkontrol ng ekonomiya, politika, at pangmilitar sa bansa Iran. Protektadong bansa ang Iran ng Great Britain.
-
Ibinigay sa bansang France ang mandato para sa Syria at Lebanon at napasakamay naman sa mga Ingles ang mandato para sa Palestine.
-
Ang pamumuno ni Haring Ibn Saud sa Saudi Arabia, habang lahat ng kompanyang naglilinang ng langis ay pagaari naman ng mga dayuhan.
-
Ipinalabas ang Balfour Declaration noong 1917 ng mga Ingles kung saan nakasaad na ang Palestine ay bubuksan sa mga Jew o Isralite upang maging kanilang tahanan.
Epekto sa Timog Asya:
-
Nagpadala sila ng mga Indian sa labanan sa ilalim ng mga opisyal na Ingles. Kaalinsabay nito ay nagkaisa ang mga kilusang Muslim at Hindu.
-
Lumakas ang basing India. Nagkaroon ng malawakang demonstrasyon, boykot, at hindi pagsunod sa mga kautusan ng Ingles sa bansang India, na siya namang naging dahilan upang bigyan ito ng autonomiya
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Epekto sa Kanlurang Asya:
-
Mayo 1946 nang simulang alisin ng Russia ang kaniyang mga tropa sa Iran na hindi naman tuluyang naisakatuparan bagkus ay nagdulot pa ito ng Azerbaijan Crisis.
Epekto sa Timog Asya:
-
Ang basing India na koloniya noon ng England ang naapektuhan matapos ang digmaan dahil minsan na rin niyang binigyan ng suporta ang England sa pakikipagdigmaang ginawa nito.