Panuto: Isulat ang salitang Tama sa patlang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran at Mali kung hindi. 1. Tinatapon ni Erik ang mga basurang ginamit sa tamang lagayan. 2. Pinagsasama-sama ni John ang mga nabubulok at di- nabubulok na basura. 3. Pinaaalalahanan ni Ezekiel ang mga kapatid na bawal magsunog ng mga basura. 4. Pinupulot ni Joaquin ang mga nakitang dumi at tinatapon niya ito sa basurahan. 5. Nilalagay sa ilalim ng kama ni Marielle ang mga balat na kaniyang pinagkainan. 6.Binabawal ni Jessica si Joel sa tuwing nagsusunog ito ng mga basura. 7. Nakikiisa si Joan sa programang pangkalinisan sa kanilang paaralan. 8. Nilagyan ni Mary ng mga label ang kanilang mga basurahan para alam niya kung saan itatapon ang mga basura. 9. Nagagalit si Paul sa tuwing sinasabihan ng kaniyang nanay na huwag magtapon ng basura kahit saan. 10.Sumasali si Erica sa mga programang pangkalinisan sa kanilang barangay.