Suriin ang bawat pangungusap, piliin ang Impluwensiya kung ito ay impluwensiya ng kulturang Espanyol sa kulturang Pilipino at kaya piliin ang Hindi Impluwensiya kung hindi ito impluwensiya ng kulturang Espanyol. 1. Pagdaraos ng mga pista ng patron o santo. Impluwensya Hindi impluwensiya 2. Pakikipagpalitan ng produkto o pagsasagawa ng barter. Impluwensiya Hindi Impluwensiya 3. Pag-aaral, umawit, bumasa at sumulat sa paaralan. Impluwensiya Hindi Impluwensiya 4. Gumamit ng baro at saya bilang kasuotan ng mga Pilipino. Impluwensiya Hndi Impluwensiya 5. Pagpapatayo ng mga bahay na gawa sa bato. Impluwensiya Hindi impluwensiya 6. Pagdaraos ng mga gawaing panrelihiyon katulad ng pagrorosaryo, pagpuprusisyon at pagdalo sa misa. Impluwensiya Hindi Impluwensiya 7. Sumasamba sa mga anito at kapaligiran. Impluwensiya Hindi impluwensiya 8. Gumagamit ng matulis na bagay, dagta at kawayan upang makasulat ng tula, kuwento at iba pa. Impluwensiya Hindi Impluwensiya 9.Nagbabasa, nagsusulat at umaawit sa loob ng paaralan. Impluwensiya Hindi impluwensiya 10. Nagkakaroon ng iba’t ibang pagtatanghal sa entablado. Impluwensiya Hindi Impluwensiya Panuto: Sagutin ang salitang PILIPINAS kung ang pangungusap ay nagsasaad ng dahilan ng matagumpay na pag-aalsa ng mga katutubong Pilipino laban sa mga Espanyol at ESPANYA naman kung hindi. (Malaking titik po ang paraan ng pagsulat.) 11. Maraming Pilipino ang nakipaglaban dahil sa pagmamahal sa bayan. 12. Nagpamalas ng katapangan ang mga Pilipino sa pakikipaglaban. 13. May mga katutubong nakipagtulungan sa mga Espanyol. 14. Iba-iba ang wika at diyalektong ginagamit sa iba’t-ibang isla at lalawigan sa Pilipinas. 15. Maraming Pilipino ang nakiisa sa pag-aalsa laban sa mga Espanyol.