Si Basi ay madalas na hindi makatulog sa gabi. Pinayuhan siya ng kanyang kaibigan na uminom ng

gamot na pampatulog. Sinunod naman ito ni Basi. Noong umpisa ay naging epektibo ang gamot sa kanyang

katawan, ngunit kalaunan ay dinadagdagan na niya ang bilang ng tabletang kanyang iniinom upang siya ay

makatulog. Naging bahagi na ng sistema ng kaniyang katawan ang gamot na pampatulog.Lumala ang

kaniyang kalagayan, hindi siya nakakatulog kung hindi siya nakakainom ng gamot



Mula sa maikling kwentong iyong nabasa, sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang naging problema ni Basi?

2. Para saan ang ininom niyang gamot?

3. Ano ang nangyayari kay Basi kapag hindi siya umiinom ng gamot?

4. Tama bang sinunod ni Basi ang payo ng kaniyang kaibigan? Oo o hindi, bakit?

5. Ano sa palagay ninyo ang dapat niyang ginawa?