_3. Hindi si Jonathan ang tipi ng lalaking mangunguna sa away-kalye. Matangkad ngunit patpatin ang katawan dahil sa bukod sa may kahinaang kumain ay wala rin gaanong hilig sa isports maliban sa pagsunod sa ilang larong required kunin sa P.E. Gayunman, kung ano ang kakulangan sa pangangatawan ay siya namang liksi ng isipan. Isa siya sa pangunahing miyembro ng debate club, laging nangunguna sa klase, at editor- in- chief g kanilang pahayagang pampaaralan. ________________________________________________________________​