1. Pagkakaiba ng Sexual Orientation sa Gender Identity? 2. Ano ang iba’t ibang uri ng Oryentasyong Sekswal?​

Sagot :

Answer:

"Ang Pagkakaiba ng Sexual Orientation sa Gender Identity"

1. Ang "Sexual Orientation" ay tumutukoy sa ating pisikal, emosyonal, at sekswal na atraksyon sa ibang tao. Ang normal na inaasahan ng lipunan ay ang lalaki ay bumubuo ng romantikong relasyon sa mga babae at ang mga babae sa lalaki naman, ito ang tinuturing na heterosexuality. Ngunit may mga tao na nagkakaramdam ng atraksyon sa mga tao ng kaparehong kasarian at ito ang tinatawag na homosexuality.

Ang "Gender Identity" naman ay personal. Ito ay kung paano natin nakikita ang ating sarili batay sa ating kasarian, kung tayo ba ay lalaki, babae o wala sa dalawa. Karaniwan na magkatugma ang gender identity at ang gender expression( kung paano nila ipakita ang kanilang kasarian sa pamamagitan ng pananamit, kilos, at iba pa) batay sa sex na taglay nila noong sila ay pinanganak. Ngunit, may ilan na tao sa lipunan ang hindi sumusunod sa nakagawiang gender identity, ang mga taong ito ay tinatawag na " transgender" o " gender non-conforming".

Sa madaling salita, ang gender identity ay makikita sa paraan kung manamit, kumilos, at kung paano mo nakikita ang iyong sarili kung ikaw ba ay lalaki, babae o wala sa nabanggit. Ang sexual orientation naman ay nalalaman sa pamamagitan sa kung kanino ka nagkakagusto at nakakaramdam ng romantikong atraksyon.

2. "Ang iba't ibang ng Oryentasyong Sekswal":

  • Heterosexuality
  • Homosexuality
  • Bisexuality
  • Pansexual
  • Demisexuality
  • Lithsexual
  • Autosexuality
  • Anthrosexuality
  • Polysexual
  • Sexuality

Explanation:

I hope this helps

#LetsStudy