Answer:
Ang kwento ng "mabangis na lungsod" na isinulat ni Efren Abueg ay nagsasalarawan at nagpapakita ng mga pangyayari nanagaganap sa isang lugar kung saan naroon ang banal na simbahan at may kaaya ayang mga tanawin. May dalawang uri ng pananaw na ipinapakita sa kwentong ito. Una ang Realismo at ikalawa ang Humanismo.
Realismo Ang kwentong ito ay pagpapakita sa totoong kalagayan ng mga taong nabubuhay sa karimlan at kahirapan. Habang nag nining-ning ang mga ilaw ng Quiapo mayroon namang mga pangyayari na hindi nakikita ng karamihan. Tulad na lamang sa pang aapi na dinanas ng batang pulubi sa kamay ng isang maton na si Bruno.
Humanismo nais ipabatid ng manunulat sa mga mambabasa na ang kwentong ito ay may kapupulutan ng aral. At ito ay magiging daan para magkaroon ng idea ang mga mambabasa kung ano ang dapat gawin para magkaroon ng puwang sa ating lipunan ang mga batang nakakaranas ng karukhaan.
Explanation:
paki brainliest na lng po