Gawain sa Pagkatuto 4: Lumikha ng argumento hinggil sa napapanahong isyu na nakatala sa kabilang pahina. Tingnan ang huwaran sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Proposisyon Argumento Oo/ Sang-ayon Hindi/ Hindi sang-ayon Ang pagpapasailalim sa total lockdown ng mga barangay na may kaso ng Covid-19 ay nakatutulong upang maiwasan ang paglaganap nito. Naniniwala ako rito sapagkat mas mapadadali ang contact tracing kung pansamantalang ilalockdown ang barangay na may kaso ng Covid-19 Hindi ito nararapat sapagkat kailangan ding isaalang-alang ang pangangailangan ng buong barangay. Saan sila bibili ng pangunahing pangangailangan kung bawal silang lumabas? Halimbawa : E 17 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G9 Proposisyon Argumento Oo/Sang-ayon Hindi/Disang-ayon Ang Enhanced Community Quarantine ay nakatutulong upang mabawasan ang kaso ng Covid-19 Ang diskriminasyon na nararanasan ng mga frontliners ay nakaaapekto sa kanilang trabaho. Mas epektibo sa pagkatuto ng mag-aaral ang online learning kaysa sa modular learning. Ang pagpapatupad ng anti-terror law ay makatutulong para mabawasan ang kriminalidad sa bansa. Ang pagtanggap ng bisitang dayuhan ay isa sa mga sanhi ng paglaganap ng Covid-19 disease. Ang pagpapasara sa ABS CBN ay pagwasak sa kalayaan sa pagpapahayag. Kawawa ang Pilipinas kung maghahabol sa inaangking mga isla ng Tsina sa West Philippine Sea.