BAITANG AT SEKSYON: 1. Panuto: Basahin at isulat sa patlang ang titik na tumutukoy sa tema o paksa ng sanaysay 1. Mahilig si Anna kumain ng prutas. Ito ay nakapagpapalakas ng kanyang katawan. Ang mangga, saging, bayabas at iba ay mga halimbawa ng mga prutas. A Ang Prutas B. Ang Gulay C. Mangga at saging D. Nakapagpapalakas ng katawan 2. Maraming laruan si Lito. Regalo ito noong kaniyang kaarawan. Ilan sa mga laruan na kaniyang natanggap ay ang mga bola, robot at kotse-kotsehan A. Si Lito B. Kaarawan C. Mga Laruan D. Bola, robot at kotse-kotsehan 3. Para maiwasan ang COVID-19 ay manatili tayo sa ating mga tahanan. Magsuot ng facemask at faceshield. At maghugas palagi ng kamay. A Maghugas ng kamay palagi B. Facemask at faceshield C. Manatili sa bahay D. Pag-iwas sa COVID-19 4. Maglinis tayo ng ating kapaligiran. Alisin ang mga bagay na puwedeng pamahayan ng lamok. Gawin ang mga sumusunod upang ang sakit na Dengue ay ating maiwasan. A. Pag-iwas sa Dengue B. Paglilinis ng kapaligiran C. Ang sakit na Dengue D. Pamahayan ng Lamok 5. Si Tagpi ang aking alagang aso. Palagi ko siyang kasama saan man ako magpunta. Malambing at mabait si Tagpi kaya siya ay mahal na mahal ko. A. Mahal ko si Tagpi B. Si Tagpi C. Palagi kong kasama D. Malambing at Mabait​