A. Gawain Bilang 3. Rebolusyong Siyentipiko Aachigay ng tatlong siyentista se panahong Rebolusyong Shyentipiko at ang kanilang mga nagawa.
Ang Rebolusyong Siyentipiko :
Ang Ika - 16 siglo at ika - 17 siglo ang hudyat sa pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko. Ito ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob.
Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo. Ang dating impluwensya ng simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay nabawasan at humina dahil sa mga paglalathala ng mga bagong tuklas na kaalaman na pinatunayan ng " bagong siyensya ". Nakatulong ang panahon ng katwiran ( age of reason ) upang magkaroon ng bagong liwanag ang mga tradisyunal na ideya at bigyan ng bagong paglalarawan at redipinisyo ng lipunan.