Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod na tanong.
Nagsimula ang pangarap ko nang matuto akong makinig ng radio. Sa pakikinig ko noon, madami akong napakinggang mga bagay na hindi ko pa nauunawan pero napapangkinggan ko ang mga balita at dula-dulaan ganun din ang mga patalastas at magagandang programa sa radyo. Ganun din sa mga nakakasalamuha kong hindi ko kapwa Mangyan na may gintong ngipin. Sa mura kong edad napaisip ako kung paano magkakaroon ng ganung ngipin. Sinabi ng magulang ko, lalong higit ng tatay ko na kailangan ko mag-aral dahil lahat ng gusto ko mangyari ay matutupad lang kung makakapag aral ako.
Noong nag-aral ako ng grade 1, nabuo ang pangarap ko na maging isang astronaut pero nang ibahagi ko ito sa klase, nabasag ito sa komento ng teacher ko, madali daw ako mamamatay dahil baka malalaglag ang eroplano paglipad mula sa kalawakan. Pero nanatili ako sa pangarap ko maging astronaut.
Noong high school na ako, nabago na gusto ko na maging mamahayag, maging sa TV man o radio. Pero mukhang delikado din ang buhay kaya naman noong ako ay kuhaning scholar ng mga madre at paaralin sa Tarlac, pinili kong maging isang guro. Nag-aral ako ng dalawang taon sa Tarlac at itinuloy sa Divine Word College of Calapan (DWCC). Pagiging masipag at magalang ang naging puhunan ko sa pag aaral. Dahil sa kasipagan ko pag-aaral, nanguna ako sa klase sa elementary at high school kaya nakuha akong scholar, mabait at mgalang ako kaya nagustuhan ng mga madre ang ugali ko.
Dinadagan ang sipag, tiyaga at sakripisyo lalo na nang magaral ako sa DWCC hanggang sa maka-graduate. Sunod na panalangin ko ang magkaroon ng malakas at malusog na pangangatawan ganun din ang isipan para makapasa sa board exam. Noong nakapasa na ako nag-apply na ako sa Department of Education (DepEd) para magkaroon ng matatag na trabaho.
Bilang isang guro na katutubong Mangyan mula sa Tribong Iraya, ang pagiging madali sa akin ang makibagay sa ibang tao ay ang matuto ng ibang wika at ang nagpalakas din sa aking
pakikisalamuha at pakikitungo sa aking kapwa at lalong higit sa kapwa ko katutubong Mangyan. Nakaka-unawa ako ng 3 wikang Mangyan at kaunting Ilocano dahil dito nadadagdagan ang aking tiwala sa aking sarili.
Ronilo Aranzado Tolio
Mangyan, Iraya
DWCC, Based Biology Graduate
Teacher III
Mga Tanong:
1. Base sa kwento ng kanyang buhay, ano – ano ang kanyang pinapahalagahan? (5 puntos)
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga magagandang katangian na nalinang sa kanya? (5 puntos)
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang kanyang ginawa upang mapagtagumpayan ang mga naisin nila sa buhay?
(5 puntos) ___________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Gawain 2 (5 puntos)
Panuto: Sagutin ang mga tanong kung paano mo hinubog ang iyong mga gawi bilang isang kabataan na nagbibinata at nagdadalaga na may pamagat na Ang Kaugnayan ng Aking Pagdadalaga/Pagbibinata sa Araw-araw na Gawain.
1. Sumulat ng 3 sa iyong mga gawi (habits). Paano mo hinuhubog ang mga gawing ito upang maging tatak ng iyong pagkatao?
2. Anong birtud ang inaasahan mong mabuo sa mga gawing ito?
Hal. Gumagawa ng mga gawaing bahay araw-araw - Kasipagan
1._______________________________________________________________________________________________________________________________________________________2._______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3._______________________________________________________________________________________________________________________________________________________