Sagot :
[tex]Answer:[/tex]
THIS ONE READ CARE FULLY TO UNDERSTAND IT
[tex]Explanation:[/tex]
Ang panitikan ng isang bansa ay sumasalamin sa mga paniniwala, kultura at tradisyon nito. Sa panitikan ibinubuhos ng mga tao ang kanilang mga saloobin, nararamdaman at nakikita sa kanilang katayuan kaya repleksyon ang panitikan ng kung ano ang pamumuhay sa isang bansa.
Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan sa buong mundo.
Malaki ang kontribusiyon ng Panitikan sa Kasaysayan sapagkat dito natin makikita kung ano ang buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o talumpati nalalaman kung ano ang obserbasiyon ng mga may-akda sa kanilang paligid at sa kanilang mga buhay.
Isang tradisiyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ang mga tekstong pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng panitikan.
Link na may kaugnayan:
Ano po ang Panitikan? - brainly.ph/question/64431