Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing, Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin. Yaring pag-ibig ko'y katugon, kabagay ng kailangan mong kaliit-liitan, Laging nakahandang pag-utus-utusan, Maging sa liwanag, maging sa karimlan. Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katuwira'y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri. NG DUKAS Pag-ibig ko'y isang matinding damdamin, Tulad ng lumbay kong di-makayang bathin Noong ako'y isang musmos pa sa turing Na ang pananalig ay di-masusupil. Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal, Na nang mangawala ay parang nanamlay Sa pagkabigo ko at panghihinayang. MD Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na, Ngiti, luha, buhay at aking hininga! At kung sa Diyos naman na ipagtalaga Malibing ma'y lalong iibigin kita. ano ang sukat,tugma,tono,simbolo,talinghaga ng tula ?​