Sagot :
SAGOT!
3
5
4
6
1
2
"ANIM NA SABADO NG BEYBLÃDE"
Sa Unang Sabado hiniling niyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan kahit hindi pa ito ang araw at nagbiling huwag kalimutan ang regalo at pagbati ng Hàppy Birthday Rebo!. Kung kaya't sinikap ng ama ni Rebo na ipagdiwang ang kanyang kaarawan kahit na ang totoo ay limang buwan pa ito mula sa araw na iyon. Sa kagustuhan ng ama ni Rebo na mabigyan siya ng magandang ala-ala ay sinikap niyang mabigyan sya ng masayang kaarawan, maraming handaan at napakaraming mga regalo nang sa gayon maging masaya sya bago sa kanyang pagpanaw. Sa Ikalawang Sabado pagkalabas niya sa ospital ay pumunta naman si Rebo sa kaarawan ng isa sa kanyang mga kalaro upang ipagdiwang ito. Pagkatapos ay nakipaglaro siya sa kanila gamit ang paborito niyang laruan ang bèybláđè. Sa Ikatlong Sabado ay tila ba'y nanghihina na si Rebo. Dito narin sya unti-unting nakakalbo, subalit ang kanyang mga buhok ay di kusang nalagas. Kaya sa kanyang muling pagkairita ay sinabunutan niyang ang kaniyang sarili nang sa gayon tuluyan siyang makalbo. Sa araw din na ito napag-isipan ng kanyang Ama na bigyan sya ng isang masayang palabas sa pamamagitan ng isang mascot. Tuwang-tuwa si Rebo kahit ang buong katawan niyang ay nanghihina na. Sa Ika-apat na Sabado ay tuluyan nang nanghina si Rebo at wala na syang natitirang lakas upang makuha pang ipasok ang pisi ng bèybláđe upang mapaikot ito. Ramdam sa buo niyang katawan ang panghihina at hingal sa kanyang pagsasalita kung kaya't nakahiga lang siya upang makapahinga ng bahagya. Sa Ikalimang Sabado kasabay ng huling paglaglag ng kaniyang luha sa mga mata at huling pagbuga ng kanyang hininga ay namatay si Rebo sa bisig ng kanyang Ama. Labis na balisa at panghihina ang naramdaman ng kanyang Ama dahil sa maagang pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na anak. Sa Ika-anim na Sabado dinala si Rebo sa ospital at dinala sa morge upang imbalsamohin. Ngayon ay wala na ang bèyblàđe at may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong, sila ay magkasamang pupunta sa lugar na kung saan ay walang panganib, sakit, gutom/uhaw at payapang nagpapaikot.
.
Para sa buong kwento at karagdagang impormasyon ukol sa paksa ay bisitahin ang mga link sa ibaba:
- https://brainly.ph/question/2188749
- https://brainly.ph/question/609198
- https://brainly.ph/question/338162