please pa answer

i need it now thank you

nonsense answer= report
Correct answer=brainliest answer ​​​


Please Pa Answer I Need It Now Thank You Nonsense Answer Report Correct Answerbrainliest Answer class=

Sagot :

Answer:

WORD OF GOD

Lucas 9:25

Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung mapapahamak naman at mawawala ang kanyang buhay?

Bilang tao, pareho tayong nilikha ng Diyos at pinagkalooban ng kakayahang mamili qong paano tayo mamumuhay sa pansamantalang mundong ito. Maraming tao sa kasalukuyan ang nagsisikap na maabot ang kanilang mga pangarap. may mga nagnanais na yumaman, magkaroon ng magandang relasyon, magkamit ng mga bagay sa mundo, at maging sikat. May mga taong nagsisikap at pilit na ikinukumpara ang kanilang sarili sa ibang tao sa pag aakalang sa ganung paraan lamang nila mararanasan ang tunay kaligayan. Ano nga ba ang mapapala mo sa mga bagay na pinagpaguran qong isang araw ay mamamatay ka at iba ang makikinabang ng mga iyon? Wala!. Ano nga ba ang mapapala mo sa pagkumpara ng iyong sarili sa iba? Gayong pareho lamang kayong mamatay at iisa ang inyong hahantungan? Wala!. Ang paghahangad na magkamit ng lahat ng bagay sa mundong ito ngunit mamatay na hiwalay at walang relasyon sa Diyos ay mas nakakatakot pa kaysa anu pa mang bagay. Hindi ikamamatay ng tao ang pagtalikod sa kanyang mga ambisyon alang alang sa Panginoon, Sa halip, ikamamatay niya ang pagtanggi sa Diyos. Walang ibang naghihintay para sa mga taong tumatanggi sa Diyos kundi ang kamatayan. Hindi ang pagtugon sa anumang inaalok sa atin ng mundo ang tanging paraan upang magkamit ng Kaligtasan, Kundi ang ating pagtugon sa panawagan ni Jesus, na siya lamang ang "Daan Tungo sa Kaligtasan."