Subukin I. Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot sa mga sumusunod na aytem. 1. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng anekdota? a. May isang paksang tinatalakay b. Makapagbabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral c. Nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa d. Mahabang salaysay na naglalaman ng kawing-kawing na pangyayari 2. Alin sa mga sumusunod ang naging motibo ng awtor sa pagsulat ng anekdota? a. Mag-iwan ng takot sa mambabasa b. Maging positibo sa lahat ng bagay c. Magsilbing gabay sa paglalakbay d. Magbigay kawilihan at aral sa mambabasa ukol sa isang magandang karanasan 3. “Ikaw ay nararapat lamang na makisalamuha sa mga kauri nating banga". Ano ang nais ipahiwatig nito? a. Huwag pakialaman ang buhay ng iba. b. Huwag magtitiwala sa iba c. Huwag sasama sa hindi kauri d. Iwasan ang pakikipagkaibigan. 4. Uri ng akdang pampanitikan na naglalarawan ng isang kawili-wiling insidente sa buhay ng tao na nag-iiwan ng aral o moral lesson. a. Persian b. anekdota c. anedota d. Iran 5. "Huwag mong kalimutan na ikaw ay isang banga na gawa sa lupa." Ito ay isang a. Pangangatwiran b. Pangangaral c. Pagpapayo d. Pagdadahilan