21. Aling pangungusap ang ginamitan ng pang-abay na panlunan? *

1 point

a. Sasama ang mga kabataan sa kanilang gagawin.

b. Sa darating na buwan ay maglilinis sila ng katubigan.

c. Agad nilang isasagawa ang lahat ng planong gawain.

d. Sisimulan nila ang paglilinis sa mga baybayin ng Maynila.

22. Aling pangungusap ang hindi ginamitan ng pang-abay na pamaraan? *

1 point

a. Marahang inilagay ng mga bata ang munting puno sa kanilang pagtataniman.

b. Hindi maglalaon ay lalaking malulusog ang mga itinanim na puno sa kabundukan.

c. Upang masigurong mabubuhay ay agad nilang diniligan ang mga bagong tanim na puno.

d. Matiwasay nang mamumuhay ang mga taong dati'y naapektuhan ng mga nakalbong kagubatan.

23. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na walang paksa? *

1 point

a. Lumilindol!

b. Ang mga magsasaka ay nag-aani ng palay.

c. Sina Ben, Nina, at Marian ay nanonood ng sine.

24. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na walang paksa? *

1 point

a. Malulusog ang mga sanggol.

b. Ang panahon ay maaliwalas.

c. Magandang hapon po.

25. Alin ang pang-ukol sa pangungusap? Ano ang magagawa mo para sa kabutihan ng ating bansa? *

1 point

a. bansa

b. magagawa

c. para sa

26. Alin ang pang-ukol sa pangungusap: Nag-aral siya sa Einstein School Cebu. *

1 point

a. sa

b. siya

c. Nag-aral

27. Naghihintay si Julia kina lolo at lola.Alin ang pang-ukol sa pangungusap? *

1 point

a. kina

b. at

c. lolo
paki reply po