Gawain C.Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang linya kung ito ay nagpapakita ng kadakilaan ng Diyos at ang epekto nito sa tao, at ekis (X) kung hindi
1. Kapag tinatanong ang anim na anak kung sino ang nagkaloob sa kanila ng mga pagkain, eto ang isinasagot nila: " Amang hari, kayo po ang nagkakaloob ng aming pagkain"
2. Ang ikapitong prinsesa lamang ang sumasagot nito:"Ama, Diyos po ang nagkakaloob ng lahat. Lahat ng nasa atin, lahat ng ating kinakain, kinukuha natin sa Kanya"
3. "Lumayas ka! sigaw ng hari, at inutusan nito ang isang alila para ilabas ang prinsesa at iwan ito sa gitna ng gubat.
4. Ang binata'y agad naghanap ng tubig. Diyos ang nagkakaloob, at madaling nakakita ang binata ng isang batis ng malamig na tubig
5.Napagtanto ng hari ang kanyang pagkakamali. "Oo," sabi niya, "ang Diyos ang tunay na nagkakaloob ng lahat." At ang hari at ang kanyang anak ay nabuhay na maligaya mula W noon.​