5. Dapat nang itigil ang pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa labas ng bansa. Ang mga nangyayaring pagmaltrato, panggagahasa at pagpatay hindi lamang sa mga domestic helpers na nagtatrabaho sa Singapore at Saudi Arabia kundi maging sa mga nars inhinyero at marinong nagtatrabaho sa iba't ibang panig ng mundo ay halos sapat nang dahilan upang mamulat ang mga Pilipino. Oo nga't nagpapasok din sila ng maraming dolyar sa bansa ngunit ang kalumbas nito ay ang paghamak sa karapatang pantao ng mga Pilipino. Alipin na ang turing ng mga dayuhan sa mga Pilipino na kung tutuusin propesyunal ang mga ito at may mataas na pinag-aralan. Katunayan, kulang na rin ng mga dalubhasa at eksperto ang maraming paktorya at industriya ng bansa. Kailangan na rin sa mga malayong pook ang mga nars at doktor. Nangangalangan na rin ng pag-alaga at pagmamahal ang libu-libong mga batang iniwan ng kanilang ama't inang nagpapahalaga sa mga anak ng mga dayuhang amo sa ibang bansa sa kanilang pagpapabaya sa sariling anak, ang mga magulang na ito ay magkakaroon ng anak na sugapa, magnanakaw at kriminal. Malulutas ba ng pera ang mga problemang ito? a. Alipin ang turing ng inga dayuhan sa mga Pilipino. b. Pagpatigil ng pagpapalabas ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. c. Pagpapabaya sa mga anak Gawain 2:​