Answer:
Halimbawa:
PROGRAMANG PANRADYO
Ni Rodrigo B. Davide Jr.
Pinayayabong nito ang iyong kaalaman,
Radyo'y sa impormasyon ay mapagkakatiwalaan,
Opinyon ay naibabahagi rin sa sambayanan
Ginagabayan ka upang hindi mapaglalamangan.
Regalo kung ituring para sa lahat ng mamamayan.
Ang pulso ng bayan ay napakikinggan naman
Malayo pa ang naaabot kahit sa kasulok-sulukan
Anomang problema'y naipapanawagan.
Naipabatid anomang sakuna kaya napaghahandaan.
Ginagamit pa sa paghubog ng sangkatauhan.
Pinaniniwalaa'y naipapahayag naman,
Animo'y sandatang makapangyarihan
Nakapagpapabago sa iyong kaisipan.
Reklamo'y nailalahad at napakikinggan
Angkop na solusyon ay napagtutulungan.
Di natatakot maglabas ng katotohanan
Yari ang kasamaan ‘pagkat walang pinoprotektahan
Oh programang panradyo, sa buhay napakikinabangan!
Explanation:
#Stay safe po