Basahin ang mga sitwasyon ang bilugan ang pinakaangkop na birtud na dapat ipamalas.
Ipaliwanag sa ibaba kung bakit ito ang iyong napiling angkop na birtud.

1. Ang iyong kaibigan na si Angelica na dating masayahin ay napansin mong unti-
unting nagiging bugnutin at nag-iiba ang ugali. Isang araw naikuwento niya sayo na
maghihiwalay na ang kanyang mga magulang at aalis na ang kanyang ama sa
kanilang bahay. Lumaon pa at nagiging tahimik at hindi na palakaibigan si Angelica
dala marahil ng kanyang pinagdadaanan at hindi na siya kagaya ng dati ng una mo
siyang makilala, subalit naiintidihan mo ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon.
Bilang isang nagmamalasakit na kaibigan, ano sa iyong palagay ang dapat mong
ipamalas na intelektuwal na birtud?


Ang dapat kong ipalamas na birtud ay ______________ sapagkat __________________________________________________________________


2. Si Noreen ay biktima ng pang aabuso pisikal ng kanyang ama. Ngunit sa kabila nito
ay pinili niyang ipagpatuloy ang kanyang buhay at maging normal sa kabila ng
kanyang pinagdaanan. Ang kanyang ama ngayon ay nakapiit sa kulungan dahil sa
kanyang pagkakasala sa batas. Nagtapos si Noreen ng pag-aaral sa tulong ng
kanyang ina na mag-isang tumaguyod sa kanilang magkakapatid. Panganay siya sa
apat na magkakapatid at nang siya ay makatapos ay tumulong siya upang
makatapos din ang pag-aaral ang kaniyang mga kapatid. Dahil sa kanyang sipag at
tiyaga ay umunlad ang buhay ni Noreen at nakapagpatayo na siya ng sariling bahay
nilang mag-iina. Hindi nakakalimutan ni Noreen ang lahat ng pagsubok na kanyang
pinagdaanan subalit hindi ito nakahadlang upang siya ay magpatuloy sa pagtupad ng kanyang mga pangarap. Bilang isang tao, ano ang taglay na birtud na ipinamalas ni
Noreen?

Ang dapat kong ipalamas na birtud ay ______________ sapagkat
____________________________________________________________________________________________________________________________________


3. Isang araw habang naglalakad si Andrew sa pasilyo ng paaralan ay nakakita siya ng isang wallet sa nasa gilid ng hagdan malapit sa pasilyo na kanyang dinaraanan.
Naglalaman ang wallet ng mahigit tatlong libong piso at kasama nito ang id ng
nagmamay-ari sa loob ng wallet. Naisip ni Andrew ang mga posibleng mga mabili
niya pag kinuha nya ang pera dahil wala namang tao na nakakita sa kanya sa mga
oras na iyon. Isa pa nangangailangan siya ng pera sa bagong sapatos at damit na
kanyang kakailanganin para sa darating na programa sa kanilang paaralan. Subalit
naisip nya rin ang mararamdaman ng taong may-ari ng pera. Kaya’t nanghinayang
man ay isinauli nya ang pera sa may-ari. Laking tuwa naman ng may-ari ng pera
sapagkat ang pera na iyon ay para sa pinabibiling gamot ng ama nito. Ano ang
ipinamalas na birtud ni Andrew?


Ang dapat kong ipalamas na birtud ay ______________ sapagkat
____________________________________________________________________________________________________________________________________




NEED THIS ASAP PO


Sagot :

Answer:

1. Ang dapat kong ipamalas na birtud ay KATATAGAN NG LOOB sapagkat Sa problemang ganito ay kailangan ko ng lakas ng loob upang hindi manaig ang kalungkutan sa aking puso at maipagpatuloy ko ang akong buhay.

2. Ang dapat kong ipamalas na birtud ay PAGTITIMPI sapagkat Sa panahong sinasakran siya ay natuto siyang magtimpi sa kanyang emosyon at hindi nagpatalo sa mga problema niya sa buhay at naging matatag.

3. Ang dapat kong ipamalas na birtud ay PANG-UNAWA sapagkat Pinili niya ang mabuting bagay na dapat niyang gawin at hindi nagpatalo sa tukso. Pinaunlad niya rin ang kalawakan ng kanyang isipan.

Explanation:

Salamat sa lahat! Pa brainliest :(