patulong namn

sana hindi lang point Yung habo
sana matino
plss​


Patulong Namn Sana Hindi Lang Point Yung Habosana Matinoplss class=

Sagot :

Alamat ng Pandesal

Bata pa lamang si Ande ay pangarap na niyang gumawa ng mga tinapay at magtayo ng sariling panaderya.

Kaya naman ay gustong-gusto niya matuto gumawa ng sariling tinapay, kaya naman nagpapaturo siya sa kanilang kapit-bahay kung paano gumawa ng tinapay dahil may sarili namang panaderya ang kanilang kapit-bahay na si Aling Bebang.

Pagka-uwi niya galing sa paaralan magbibihis muna siya pagkatapos pupunta kina Aling Bebang upang magpaturo.

Unti-unti ay natututo na siyang gumawa ng tinapay. Noong nakapagtapos na siya ng kolehiyo ay agad siyang nagsumikap magtrabaho upang matupad niya ang kanyang pangarap.

Nakapagpatayo siya ng isang maliit na panaderya, kaya naman gumawa siya ng sarili niyang tinapay. Una ay wala masyadong tumatangkilik sa gawa niya hanggang sa may nagpakalat na napakasarap daw ng tinapay ni Ande lalo na daw kung isasaw-saw mo sa kape.

Pagkatapos noong nangyari ay dinumog din ang kanyang panaderya, at lahat ng tao ay nagustuhan ang gawa niya kung saan ikinatuwa niya ng sobra, kaya naman tinawag niya ang kaniyang tinapay na "Pan ni Ande" dahil ang salitang pan ay ang salitang bisaya ng tinapay, alam niya ang lengguwahe na bisaya dahil sa Visayas lumaki ang kaniyang ina.

Mula noon ay unti-unting lumaki ang kanyang munting panaderya, ngunit ang hindi niya alam ay labis na pala ang pagka-inggit ng kaniyang kapit-bahay dahil unti-unti na itong nalulugi dahil wala na masyadong bumibili ng mga produkto nila, dahil angat sa buhay ang kapit-bahay niya ay nag-utos ito ng tao upang ipapatay si Ande, kinabukasan ay nabalitaan ng lahat na patay na si Ande sinaksak daw ito sa sarili niyang bahay at matagal bago maisugod sa ospital kaya marami ang nawala na dugo na humantong sa pagkamatay niya.

Hindi nagatagal ay nahuli naman ang sumaksak sa kaniya at tinuro ang kapit-bahay niya na si Aling Bebang na siyang nag-utos sa kaniya kaya agad itong kinulong.

Ang nakababatang kapatid niya ang nagpatuloy sa nasimulan ni Ande dahil ibinigay naman ni Ande ang mga kakailanganing sangkap at kung paano gawin ang tinapay noong nabubuhay pa siya.

Simula noon ay mas lalo lang lumago ang negosyo ni Ande ngunit ang kapatid niya na lamang ang namamahala non. "Simula ngayon tatawagin na natin itong Pandesal dahil ang pan ay tinapay at ang pangalan ng kuya ko Ande at dahil may napakabuti siyang asal, sal ang huli, kaya tatawagin niyo na itong 'Pandesal'. Simula noon ay dumami na ang gumagawa ng Pandesal at sa kabutihang palad hindi ito pinagsawaan ng taong bayan bagkos tinangkilik nila ito at binalik-balikan.