Gawain 3 - Unawain ang sumusunod na pahayag. Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung hindi.
1. Ang pinuno ng isang samahan ay pinagkalooban ng awtoridad upang maabuso ito.
2. Ang mga magulang ay may awtoridad na gawin ang anomang nais para sa ikasasama ng Kanilang anak.
3. Pananagutan ng isang namumuno na turuan at pangalagaan ang kaniyang mga kasapi.
4. Kung sakaling may kakulangan ang may mga awtoridad sa pagdidisiplina, pagpapaliwanag at pagiging patas, wala kang karapatan na magsalita at sabihin ang iyong mga naiisip.
5. Kalakip ng pagkakaroon ng awtoridad ay ang pananagutan na dalhin sa kabutihan at kaayusan ang isang samahan.
6. Ang awtoridad ay likas sa posisyon na inookupahan ng isang tao at mawawala lamang sa tao Kapag siya ay wala na sa posisyon ng pamumuno.
7. Ang anomang batas o patakaran ay maaari lamang ipairal ng isang taong may lehitimong o di lehitimong awtoridad
8. Ang layunin ng anumang batas na pinaiiral ng isang awtoridad ay ang makabubuti para sa pansariling naisin.
9. Ang pagbibigay ng patakaran ay tanda ng pagmamahal ng magulang sa anak ng mga guro sa mag-aaral o ng lider ng bansa sa kaniyang mga kababayan.
10. Kailangan ang mga patakaran sapagkat hindi pa kaya ng isang bata o kabataan na turuan at disiplinahin ang sarili.​