isulat Ang opinyon mo tungkol sa sumusunod na isyung pang edukasyon
4)Nasagaway and DepEd Ng remote enrollment simula hunyo 1 2020 kung saan Hindi kainlangang pisikal na magtungo Ang mga magulang at mag-aaral sa paaralan.​


Sagot :

Answer:

Bilang pagtitiyak sa kaligtasan ng mga mag-aaral at guro, handa nang isagawa ng Kagawaran ng Edukasyon ang remote enrollment na magbubukas sa Lunes, Hunyo 1, 2020.

Ngayong taon, hindi kinakailangang pisikal na magtungo ang mga magulang at mag-aaral sa paaralan para sa enrollment upang patuloy na mapairal ang physical distancing at health standards ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Sa halip, ang mga magulang ng mga papasok na Grade 1 to 12 learners ay kokontakin ng kanilang adviser mula sa nagdaang taon para sa remote enrollment. Maaari ring ang magulang o taga-pangalaga ang tatawag o kokontak sa adviser, sa pamamagitan ng mga numerong nilaan ng paaralan para sa enrollment procedures.