tayahin ang inyong pag unawa. sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. ano ang pagpapahalaga.
2.bakit kailangan taglayin ng tao ang pagpapahalaga.
3.ano ang birtud.
4.ano-ano ang mga uri ng birtud.
5.paano nagkakaugnay ang pagpapahalaga ng birtud.​


Sagot :

1.) Ang pagpapahalaga o (values) ay nagmula sa salitang Latin navalore na nangangahulugang pagiging malakas o matatag at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan

2.) Upang maging isa syang tapat na tao.

3.) BIRTUDO sa ingles ay virtue ay galing sa salitang Latin na virtus (vir) na nangangahulugang pagiging tao”, pagiging matatag at pagiging malakas. Ang birtud ay hindi taglay ng tao sa kaniyang kapanganakan, ito ay nagiging kagawian o habit na sa paglipas ng panahon.

4.) Dalawang Uri ng birtud 1.Intelektuwal na Birtud Ito ay may kinalaman sa isip ng tao. Ito din ay tinatawag na gawi ng kaalaman ( habit of Knowledge). 2. Moral na Birtud Ang moral na birtud ay may kinalaman sa pag- uugali ng tao. It o ay mga gawi na nagpapabuti sa tao. Ito rin ay ang mga gawi na nagtuturosa atin na iayon ang ating ugali sa tamang katuwiran.

5.) Nagkakaugnay ang pagpapahalaga at birtud sa layunin nitong gawing mabuti ang kilos o galaw ng isang tao. Ang pagpapahalaga ay isang paraan ng pagbibigay importansya sa aspeto ng buhay ng isang tao.