Tama o Mali
1.Naging sapilitan ang pagtatanim ng tabako sa Pilipinas kung kaya hindi nabigyang- pansin ang pagtatanim ng ibang produkto sa bansa.
2. Nakatulong nang malaki sa buhay ng mga Pilipino ang monopolyo ng tabako sa bansa.
3. Nagtagumpay ang pag-aaklas ni Hermano Pule o Apolinario dela Cruz.
4. Ang pag-aalsa ni Francisco Dagohoy sa lalawigan ng Bohol ay kinilalang pinakamahabang pag-aala na tumagal nang mahigit 80 taon.
5. Tinanggap ng kumbento si Hermano Pule na pumasok sa pagpapari.
6. Si Juan Ponce Sumuroy ang naging pinakatanyag na sultan ng Maguindanao.
7. Ang pangunahing layunin ng pag-aalsa ng mag-asawag Silang ay ang pagpapaalis ng indulto de comercio.
8. Maraming pag-aalsa ang naganap dahil sa pang-aabuso ng mga Espanyol. Iba’t iba ang naging damdamin at reaksiyon ng mga Pilipino sa ginawang pananalakay ng mga bansang Europeo. Ngunit sa kabila nito, higit na natulungan ng mga Pilipino ang mga Espanyol sa pamamagitan ng pagtatanggol dito.
9. Si Andres Malong ang nanguna sa pag-aalsa sa Binalatongan, Pangasinan dahil sa kalupitan o pagmamalabis ng mga Espanyol sa mga katutubo.
10. Si Apolinario dela Cruz ang nanguna sa pag-aalsang panrelihiyon ng Tayabas.