2 Polisiya na ipinapatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa Sistema ng Pananalapi:
1. Expansionary Money Policy – isang pamamaraan ng pamahalaan, layunin nitong mahikayat ang mga negosyanteng palakihin pa o magbukas ng panibagong negosyo, Isinasagawa nito sa pamamagitan ng pagpapababa ng pamahalaan ng interes sa pagpapautang dahilan lamang nito upang dumami ang mga negosyanteng mahihikayat na umutang ng pera. Ipinatutupad nito ang Expansionary Money Pollicy. Ibababa ng pamahalaan ang interes sa pagpapautang kaya mas maraming mamumuhunan ang mahihikayat na humiram ng pera upang idagdag sa kanilang mga negosyo. Makalilikha ito ng maraming trabaho kaysa mas marami ang magkakaroon ng kakayahang bumili ng mga produkto at serbisyo na magpapataas ng kabuuang demand para sa sambahayan at bahay-kalakal. Ang kalagayang ito ay isang indikasyon na masigla ang ekonomiya.
2. Contractionary Money Policy – ito ay karaniwang ipinatutupad ng BSP upang mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan. Sa pagbabawas ng puhunan, mababawasan din ang produksyon. Kasabay rin nito ang pagbabawas sa sahod ng mga manggagawa kaya naman ang paggasta o demand ay bumababa. Sa pamamagitan nito, bumababa ang presyo at nagiging dahilan sa pagbagal ng ekonomiya. Ang kalagayang ito ang ninanais ng pamahalaan upang mapababa ang implasyon.