2. Ang kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka. Alin sa sumusunod ang namumukod tanging tumutukoy sa salitang kolonyalismo?
A. Nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang estado sa aspektong politika, kabuhayan at kultural ng mahina at maliit na estado. B. Isang sistema kung saan ay namumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes. C. Isang patakaran ng isang bansa na namamahala ng mga sinakop upang magamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes. D. Isang prinsipyong pang-ekonomiya na kung may maraming ginto at pilak, may pagkakataon na maging mayaman at makapangyarihan ang isang bansa.
3. Alin sa sumusunod ang maituturing bilang pangunahing dahilan ng unang yugto ng kolonisasyon?
A. Ang paghahangad ng mga Europeo ng 3Gs. B. Ang pagpapanatili ng mga Europeo ng kanilang katanyagan. C. Ang pagpapalaganap ng mga Europeo ng kalakalan. D. Ang paghahangad ng mga Europeo ng karangyaan sa buhay.
4. Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa paggalugad ng lupain. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na dahilan nito?
A. Mga bansang gagawing kolonya C. Pagpapalaganap ng simbahan B. Karangalan at katanyagan D. Makahanap ng ginto at pampalasa
5. Piliin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag sa paghangad ng katanyagan at kapangyarihan bilang motibo ng eksplorasyong Europeo.
A. Upang makilala sa buong bansa bilang malakas na bansa. B. Mangalap ng likas na yaman na kailangan ng kanilang mamamayan. C. Makapamasyal at makita ang kagandahan ng daigdig. D. Mamuhunan at makipagkalakalan